<meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d5196049822119809933\x26blogName\x3dEvery+heart+is+like+a+house+on+fire.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLACK\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://morethanjustdrama.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://morethanjustdrama.blogspot.com/\x26vt\x3d5143182045067270401', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
more than just drama

d'FREAK scoops shouts! escapes trifles

more than just a blogger



My name is Patricia.
Im 16.
I am a college sophomore.
I'm a goofball.
My heart beats for vintage stuffs.
Music is always in my head.
I love my life.
I love Paramore.


My Unkymood Punkymood (Unkymoods)


explore my cyberworlds

Tumblr
So Much For Reality
Hayley Williams is the shiz
Multiply
Myspace
Facebook
Twitter
Youtube
Myanimelist

Nostalgia

June 2008
July 2008
August 2008
September 2008
October 2008
November 2008
December 2008
January 2009
February 2009
March 2009
April 2009
May 2009
June 2009
July 2009
August 2009
November 2009
December 2009
February 2010
March 2010
June 2010
July 2010
September 2010
October 2010

Tweets

    follow me on Twitter
    Lookbook


    The Insiders

    Hits:
    Online Viewers: dude/s

    Counter started on 2/15/09.

    so long, high school life.


    ito ang kaunaunahan kong tagalog na post dito sa aking blog dahil ang post kong ito ay para sa mga kabatch ko. tinagalog ko na ito para maexpress ko ng masinsinan ang aking saloobin.

    SENIORS OF SAINT JOSEPH COLLEGE CAVITE CITY batch 2008-2009


    unang una sa lahat, nais kong PASALAMATAN ang aking mga kabatch, mga kaklase, at ang aking mga kaibigan sa apat na taon na nakasama ko kayo. MARAMING MARAMING SALAMAT sa lahat lahat. naging kaclose ko man kayo o kahit sa mga hindi ko naging kaclose, nagpapasalamat ako sa inyo dahil kayo ay naging parte ng aking buhay, sa aking buhay hayskul. salamat sa mga tawanan, chismisan, galaan, kwentuhan, kalokohan, bentahan, kainan, tawanan ulit, okrayan, lambingan, tawanan nanaman, at syempre sa samahan natin. hinding hindi ko makakalimutan ang pagsuporta natin sa isa't isa lalong lalo na kapag nalaban ang batch natin, todo suporta talaga tayong lahat. mamimiss ko ang pagsigaw natin ng "go freshman!", "go sophies!", "goooo juniors!" hanggang makaabot sa "go SENIORS!" at may pahabol pang "manalo matalo, pogi parin/cute parin!", "L-O-V-E russiana!" at kung anu anu pang mga pauso! sa totoo lang, tayo ang pinakamaingay na batch tuwing may intrams o kung anu pa mang labanan. kayo ang dahilan kung bakit ayaw ko pang grumaduate at umalis sa saint jo. okay lang kahit mabulok at amagin na ako dun basta tayo tayo parin ang mga magkakaklase. ngunit iyon ay imposible. basta salamat talaga sa inyong lahat, ng dahil sa inyo kaya ako ganito ngayon, baliw. haha. pero sa totoo lng, kung hindi dahil sa inyo, hindi siguro ako ang PATRICIA na kilala niyo ngayon. kahit papiliin pa ako ng mga maaari kong maging kaklase, kahit sila robi domingo, aj perez, wu chun, joe cheng, josh farro, dino imperial at lahat na ng gwapo sa mundo, kayo pa rin ang pipiliin ko. kahit bayaran pa nila ako ng bilyon bilyon (hindi na ako mukang pera ngayon!) kayo parin talaga. masasabi kong ito ang THE BEST BATCH sa lahat lahat.

    masakit mang isipin pero kailangan nating tanggapin ito pero sana WALANG LIMUTAN at FRIENDS FOREVER tayong lahat. mamimiss ko talaga kayong lahat, ang mga pinagsamahan natin, lalo na sa mga kabatch ko simula prep pa lamang. hinding hindi ko kayo makakalimutan. lalo na yung mga may utang pa sa akin, hindi ko pa yun nakakalimutan kaya mas mabuting magbayad na kayo sa akin ngayon. bwahahaha! masaya ako dahil so far wala naman akong nakaaway sa inyo. maliban nalang talaga sa mga taong patuloy na tumatangkilik sa panunukso sa akin, di ko naman kayo away, peace tayong lahat at napatawad ko na kayo. hahaha! sa totoo lang, di naman talaga ako naaasar sa mga tukso niyo. nakakatuwa nga eh. kaya yun na yun.

    mga bagay na mamimiss ko ngayong lilisanin ko na ang buhay hayskul:

    -mga nilalang na kabatch ko (syempre).
    -ang eskwelahan na pinasukan ko simula prep (st. jo syempre! kaya nga may loyalty award eh! haha).
    -ang mga guro na hindi nagsasawang magturo kahit na may gyera na ng papel na nagaganap sa likod nila.
    -ang mga madre na walang sawa sa pananaway.
    -ang school uniform na 11 years ko nang sinusuot.
    -ang madreng napito (foul) sa canteen.
    -ang mga pagkain sa canteen na may napakataas na presyo. (haha, peace tayo sister)
    -ang canteen kung saan ako'y nakikipagsiksikan tuwing 9:00 am .
    -ang aking pagiging late halos araw araw.
    -ang mocc at ang cat, kahit nakagawa na ako ng libo libong squats simula junior pa lamang ako.
    -ang chismisan ng PAXTRO.
    -ang pagpapatawa ng mga komedyante sa batch natin.
    -ang TAWANAN na parang wala ng mamaya.
    -ang mga panukala ni percy tungkol sa mga bagaybagay.
    -ang mga practice natin kapag may mga activities.
    -ang paggawa na mga projects sa bahay bahay na nauuwi lang sa galaan at kwentuhan.
    -ang pagbebenta ko sa inyo ng mga bagay bagay. kayo ang suki ko forever. hindi na yun mababago, bigyan ko pa kayo ng suki card. haha!
    -ang gala uniform, kahit dati pinandidirian kong suotin yun, mamimiss ko padin yun.
    -yung kalbit ni lea fe diaz at lahat ng klase ng pangangalbit na tayo lang ang nakakagawa.
    -ang pagtatawanan sa mga walang kwentang bagay.
    -ang pagawa ng mga assignments at requirements sa araw ng deadline mismo.
    -ang mga kopyahan (oops, aminan na) haha.
    -ang paguulit ulit natin ng salita.
    -ang pagkakaisa natin tuwing intrams at everytime na may program. with matching banner pa!
    -ang paggawa natin ng cheering squad tuwing lalaban ang batch natin.
    -at lahat lahat na talaga!!!!!!

    mensahe ko sa mga naging kaklase ko simula 1st year hanggang 4th year high school:

    I - ST. MICHAEL
    grabe, dito ko unang naranasan ang buhay ng isang magaaral ng hayskul. napakasaya ko at ito ang naging bungad ng high school life ko. masaya ako dahil naging kaklase ko kayo noong 1st year pa tayo. dito nagsimula ang mga kalokohan na hanggang nagun ay nakatatak parin sa utak ko. grabe ang mga nilalang dito, hanep magpatawa! dito nauso ang wrestling sa loob ng room. sina oliver yap, cedric tanseco at king de guzman ang pasimuno noon. ang mahulog dun sa may platform sa loob ng room ang talo. tapos tulakan pa at tunay na napakagulo kaya si maam vendiola na ating adviser ay laging nahahigh blood sa atin. dito rin nauso ang paguulit ulit ni cedric tanseco ng mga salita, ang "talk to my hand" ni king de guzman at ang mga kalokohan na talaga namang nakakabaliw ni oliver yap. nagkaroon pa ako ng tropa sa seksyon na ito, ang TGIS (tropang ganda inggit sila). haha batang bata pa talaga tayo noon. meron pa nga akong slum book na ginawa noong taong ito at sa tuwing nababasa ko iyon ay di ko mapigilang mapahalakhak magisa. naaalala ko rin ang project natin sa AP kung saan naassign akong maginterview sa city hall ng tanza at ang mga kagroup ko noong panahong ito ay sina francis rosario, carina medina, king de guzman at dana famy. si oliver yap naman ang seatmate ko noong first grading at lagi akong ginugulo kaya naging top 18 ako ng klase. pagdating ng second grading tumaas, naging top 11. haha iba talaga si ed. hindi ko rin makakalimutan ang outing ng section natin sa munting resort kung saan nagdala si ed ng libreng lechon! tpos ung kinakain niyo nahulog pa sa swimming pool. haha. napakasaya ng araw na iyon. ang dami din nating mga kalokohang ginawa.

    ang mga naging kaclose ko sa panahon na ito ay sina:
    -precious de castro (since grade 3 bff na kami niyan!)
    -lea fe diaz
    -jazze crisostomo
    -marjorie morales
    -erika preciado
    -aubrey javier
    -ahra anciro
    -kris sanchez
    -francis rosario
    -aileen aninon
    -karen reyes
    -shalom betinez
    -kathleen gonzales
    -lynn faustino
    -ian dael (mukang nakalimutan na niya un!)
    -mavericks tayoto
    -king de guzman
    -at halos lahat naman eh!

    II - COLOSSIANS
    ang pinakamagulong section na napasukan ko sa buong high school life ko. at isa sa pinakamasayang taon sa high school para sa akin. maraming mga bagay ang nangyari noong panahon na sophies pa tayo. pano ba naman, pinagsamasama sa seksyon na ito ang halos lahat ng magugulong boys sa seksyon natin. dito pinanganak ang tinatawag na "saranggola boys" kung saan kayo ay nagpapalipad ng saranggola sa loob ng hallway ng 3rd floor. ayos diba? kaya nung taong ito, lagi tayo napapagalitan ng mga teachers pero ayos lang kasi masaya naman. lagi ding nahahigh blood sa atin ang ating adviser na si maam anciano dahil laging may nagaguidance sa atin. di ko rin makaklimutan ang pagkakaisa natin noong mga panahong ito, lalo na nung time na may nangyari sa pagitan natin at ni sir tapia. pero masaya ako ngayon dahil ayos na naman ang lahat at ayos na tayo ulit nila sir tapia. hinding hindi ko rin makakalimutan ang mga kagroup ko na kasamang kong gumawa ng video sa florante at laura. isa yun sa mga projects na ginawa ko na masaya. sobrang saya at hindi boring. mamimiss ko talaga ang bahay nila percy carballo kung saan practisan lagi ng kung sinu-sino. dito rin nagsimula ang tropa namin dati, ang super gals na binubuo nila precious de castro, francis rosario, marjorie tayoto, jewel de guzman, kris shellyn sanchez, jazze crisostomo, danae dagan, camille cutura at ako, pati dinagdagan nina loi ann rafael at graciel portacio na sandali lamang eh umalis narin. hindi ko rin makakalimutan na naging top 1 ako sa seksyon na ito kahit first time lang. minsan lang yun mangyari sa buhay ko kaya masaya ako. haha. basta hinding hindi ko talaga makakalimutan ang taong ito dahil sa panahong ito, nagkaroon ako ng mga tunay na kaibigan na hanggang ngayon ay kasakasama ko parin.

    mga taong naging kaclose ko sa seksyon na ito:
    -super gals (names are already mentioned above)
    -lynn faustino
    -ahra anciro
    -lynn faustino
    -rolando "kuya kim" naranjo jr.
    -at marami pa! halos lahat naman eh! ;)



    FLORANTE AT LAURA







    III - GALATIANS



    section 1 for the first time sa high school life ko. haha. lagi kasi ako nasa section 2 eh. kala ko hindi na ako makakaalis doon. noong una napakalungkot ko dahil mahihiwalay ako sa tropa ko. gusto ko pa nga magpalipat noon eh. si precious at jazze lang kase ang natirang mga kasama ko doon na kaclose ko. pero buti nalang talaga at hindi ako nagpalipat dahil naging super saya ko din sa seksyon na ito. dito ako natutong makipagkaibigan at makisalamuha sa iba. nagpapasalamat ako sa mga naging kaklase ko sa taon na ito sapagkat hindi niyo ako binalewala at naging open din kayo sa akin kahit yung iba sa inyo ay first time ko lang maging kaklase. nagpapasalamat din ako sa bobitas na sina fay paredes, erika pueblo, angel tipa, hillary gaspar, jen cortez at irene luzon dahil tinaggap niyo kami nila jazze at precious sa tropa niyo at masaya ako dahil naging kaibigan ko din kayong lahat. kayo ang naging tropa namin sa classroom at masaya kayo kasama. hindi ko makakalimutan yung mga dance number natin pati ung mga meetings and practices natin, sa bahay nila fay, sa bahay nila stephanie encarnacion or sa bahay man nila davey guinto. yung mga pamatay na projects natin tulad nalang sa journalism na inabot na tayo ng gabi, lalo na yung practice natin ng makulay ang buhay sa bahay nila dan pilapil na inabot pa ng 11 pm ata?! tapos mamimiss ko rin ang galaan natin lagi sa sangley! at lalong lalo nang hindi ko makakalimutan ang pagpipicture picture natin sa loob ng room na may halong mga hiyawan kaya nahigh blood satin si sir senido at pinapila tayo sa labas ni maam young, tapos yung mga kasama sa picture picture eh pinasulat sa limang piraso ng papel, harap at likod ng "i promise i will not run and shout again inside the classroom". lagi din tayong nasasaway dahil sa gulo nila kevin ambos at shane austria kahit first section lagi parin tayo nasasaway. mamimiss ko ng bonggang bongga ang MOCC natin. ang pagmamadali natin pag may nagpapaform na, ang mga parusa sa atin, ang hiraman ng mga kababaihan ng mga net, pin, at kung anu ano pa. lalo na yung advnture trail natin. pero super nagsaya talaga ako sa taong ito at masaya ako dahil kasyong lahat ang nakasama ko sa junior life ko. naging kaibigan ko din sa taong ito sina bobitas, phil "mare" yuvienco, rafaella ignacio, kzer tanada, davey guinto, mark lacson, alekx toyhacao, carminda david, mariel enriquez, rolando "kim" naranjo jr., stephanie encarnacion, jet barrera, czarem ignacio, ian dael, clarisse adriano, iryna lopez, dan pilapil, laurence salas, kevin ambos, larie russiana, caya alonso, janine lapenas, abby anselmo at syempre halos lahat din! si mrs. hilda young ang adviser natin sa taong ito na lagi ding nahahigh blood sa atin. isa sa mga naging paborito kong guro sa high school life ko si maam young dahil nakakatuwa siya maliban lamang sa mga projects at assignments na pinapagawa niya sa atin. haha. peace tayo maam young. :)

    sa practice ng makulay ang buhay natin. ang gaganda nu?


    sa taong ito din pala nabuo ang tropa namin ngayon, ang PAXTRO. february 29, 2008, intrams pa noon, nagkasundo kaming palitan ang tropa namin na super gals dahil meron ding mga dumagdag at nabawas. gusto ko rin humingi sa tropa ko na nasa kabilang section dahil alam kong napalayo ako sa inyo ng panahong ito dahil magkaiba tayo ng seksyon pero syempre hindi ko kayo nakalimutan at tayo tayo parin hanggang sa huli.

    PAXTRO. (dahil espesyal kayo sa akin, iisa-isahin ko kayong mga bruha kayo.)
    alphabetical order to! dahil fair akong tao. :)

    francis marie rosario - ito ang pinakabaliw sa tropa. haha. mamimiss ko ang pag "ayiiieeeee" mo sabay tago ng leeg mo kapag nadaan ang mga crush namin. sabay pagkanta mo ng palihim ng mga love songs na ewan ko ba kung saan mo nakukuha yon. basta mamimiss talaga kita ng bonggang bongga!

    jazze lyralette crisostomo - ito ang pinakalokaloka sa tropa. biglabigla nalang yan tatawa ng di ko alam ang dahilan. ang tawa pamandin nyan di lang basta-basta tawa, ito ay TAWAAAAAAA na may kasama pang tono. best friend ko to since 1st year at classmate ko din yan since 1st yr. kaya super close na kami nyan at lagi ko yang katabi sa bus tuwing fieldtrip at kung saansaan pa. kaya di kita mamimiss! joke lang.

    jewel de guzman - ito ang pinakamaaasahan sa tropa tuwing may galaan. kahit saan mo yan yayain sasama yan sayo kaya kung gusto mo ng kasama wag kang matakot na walang sasama sayo dahil nandyan si jewel. nyahaha. best friend ko yan since 2nd year. ang bahay nila ang tamabayan ng tropa simula noon. duon kami nagsisigawan tuwing nanunuod kami ng horror films at nagkakaraoke. tulig din yan! tunay na maaasahan yan at magaling magbigay ng mga advice! ito rin ang business partner ko since 2nd yr! saming dalawa nagsimula ang bayaran sa tropa. mapayema man, bracelet, projects at kung anu ano pa!

    karen reyes - ang tawa din nitong babaing to ay di lang basta-basta tawa, halakhak talaga ng bonggang bongga na may kasama pang tono. nakakatuwa din to kasama dahil di kayo mauubusan ng topic at expert din to sa mga chismisan at daldalan. active na active yan pag may mga chismis. badiiiing ko yan eh!

    katrina lara pinpin - marami kaming napagkakasunduan ng babaing to! oyy! yung mga pictures ha! nagkakasundo kami sa mga bagay-bagay tulad ng pagbablog, anime, mga banda, ** magazine, at sa kung anuano pa. gutom din sa chismis ang babaing to. laging handa ang tenga nyan pagnakita nyang nagkukumpulan na kami. ang camera nyan ay ang camera ng bayan, kaso di naman nagaupload! haha. pero kahit last year lang kami naging close ng babaing to, naging super close naman kami ngayon.

    kris shellyn sanchez - si kris ay ang babaing ewan. isang malaking ewan. sino ka nga ba?? haha. jukjuk. best friend ko din to since 1st year. kala ko dati mataray to, lalo na nung first day of class. kala ko din nung una ay tahimik to ang walang kagulogulo sa buhay, ngunit sobrang kanaliktaran pala ang naiisip ko ngayon at nagsisisi akong inisip ko pa yun. ito ang pinkamagulo sa tropa! di namin maiwasan magkabanggaan pagnaglalakad kami tapos bigla-bigla nalang manunulak. siopai ko yan at siomao nya ako. yan ang tawagan namin nung 2nd year. haha.

    lea fe diaz - ito babaing to ay certified kapamilya at mahilig magswimming. lumangoy sa malawak na karagatan. sa alam mu na. haha! basta super maaasahan yan at di ka magsisisi kapag humingi ka ng payo sa kanya. siya ang mamy lea ng sambayanan! kaya sikat na yan, parang artista na din! kilala ko na sya since elementary kami and matagal na din kaming magkaibigan. masaya to kasama dahil di kayo mauubusan ng topic nito at masaya din to katawanan ng bonggang bongga!

    marjorie tayoto - isang pangungusap para sa babaing to, ang pinakamaganda sa balat na lupa (siya ang nagsabi nyan). haha! siya ang bella swan ng tropa. hindi na siya magiging cullen kailanman dahil nakuha na ni franze ang puso ni cullen. nyahaha! nahirapan nga to magmove on eh. haha! si majo ang pinakabata sa amin (physical lang, ate ko yan eh!). seatmate ko to ng tatlong grading periods ngayong 4th yr at di kami nauubusan ng pagkekwentuhan nito. sarap nito kachismisan!

    precious de castro - best friends since grade 3! hindi na kami nagkahiwalay ng bruhang to. classmate ko siya simula grade 3 hanggang ngayong 4th year. akalain mo yun! 7 years kaming magkaklase! kaya super duper close na kami. kilalang kilala na namin ang bawat isa. soulmate kami eh. hahaha! basta magaling din mabigay ng payo ang babaing to. pag may problema ka, mapaproject man o love problem, lapit ka lang sa kanya. pagwala nang ink ang printer niyo, paprint lang din kayo sa kanya, kaso may bayad! syempre di na mawawala ang bayaran sa tropa namin nu.

    rafaella ignacio - naging close kami ng babaing to noong 3rd year, at naging kasundo ko rin to sa maraming bagay. sa mga anime, manga, mga banda, mga kanta at sa kung anu ano pang bagay. lagi ko rin to nakakasama sa mga galaan at nakakachat sa ym. ito ang genius ng tropa. napakagaling sa math kaya nga yan magiengineer eh. sa kanya kami nagpapatutor pag may hindi kami maintindihan sa math. haha!

    ito na ang pinaka the best na year at section para sa akin ang...

    IV - MATTHEW


    sa taong ito, magkakaklase kaming buong tropa maliban sa genius na si rafaella. napakasaya ko sa taong ito dahil ang daming nangyari sa panahong ito. naging kaklase ko rin ang iba na first time ko lang maging classmate at naging close naman kami. masaya kasama ang lahat ng matthewnians. the best talaga ang section na ito. wala pang araw na hindi ako humalakhak sa classroom kasama niyo. nagpapasalamat din ako kay sir ely paraiso sa lagi niyang pagsuporta sa atin.

    galing to kay percy. ito ung video na pinalabas sa room natin nung xmas party natin.



    galing din to kay percy. recess time sa classroom natin.


    ito ang mga bagay na hinding hindi ko makakalimutan sa taon na ito:
    -ang CAT natin!!!
    -ang practice natin ng makulayb ang buhay sa bahay nila percy carballo na kala pa natin eh may spy.
    -nung hindi tayo nagkaunawaan ng ibang section dahil sa makulay ang buhay at todo suporta tayo sa bawa't isa. grabe, di ko makakalimutan ang pagkakaisa natin nung panahong iyon. sobrang nagkaisa ang section natin.
    -ang mga groupings natin at pagpapractice sa labas na nauuwi sa galaan.
    -ang pagsuporta natin nung intrams at city meet.
    -ang paggawa ni percy ng mga videos.
    -ang mga picture picturean natin sa classroom.
    -ang pagbabanta namin ni jewel na yema at ng kung anu ano pa.
    -ang pagtago natin ng quiz notebooks natin nung may quiz tayo sa tle.
    -ang pagsuot natin nga gala uniform every first friday of the month.
    -ang practice ng speech choir sa house nila percy.
    -intrams natin. ang mga hiyawan at sigawan, "go SENIORS!"
    -ang kabadingan ni rv castaneda.
    -ang panggugulo at pangbubulahaw ni patrick "de peter" de pedro.
    -ang pagiging robot ni kevin guevarra
    -ang "oooooyyyyy" ni roy oren.
    -si percy agbunag carballo.
    -ang pagpapatawa nila kevin ambos and company. haha! dang dami nyu eh!
    -ang pagiging poste ni edwin "poste" portacio jr.
    -ang mga kalokohan at kadaldalan nina jouize paroan at anthony "balong" daoana.
    -si BAIS. period.
    -ang halos araw araw kong pakikipag-bangayan kay GAPATE.
    -ang napakahabang buhok ni angela dantes.
    -ang pagsigaw ni maxene alvarado sa mga sadyang maiingay nating kaklase.
    -ang naging seatmate kong si aileen aninon na nahawa sa pagiging makalat ko at di ko pagkopya ng lectures.
    -ang tropa nila bais. period ulit.
    -ang pagsulat ko ng lectures sa mismong araw ng pasahan kaya lagi akong naloloka.
    -basta lahat ng classmates ko ngayong taon na ito!
    -ang PAXTRO, syempre!
    -mga outreach programs
    -yung career day natin sa PICC
    -ang fieldtrip natin at mga kalokohan at kantahan sa bus.
    -ang retreat natin na super saya. lalo na yung mga naging kagroup ko sa sharing na sina jazze crisostomo, lea fe diaz, larie russiana, erika preciado, angel tipa, ahra anciro, danica alvarez, abby anselmo at joana leonor, di ko makakalimutan yung mga sharings natin at ang mga tawanan natin nung panahong iyon. feeling ko mas naging close tayo sa isa't isa at mas nakilala pa natin ang isa't isa. masaya ako at nakapagshare ako sa inyo at naging kagroup ko kayo sa activity na ito. di ko rin malilimutan ang nangyari kay marjorie tayoto na muntik na akong di makatulog sa sobrang takot.
    -yung youth day.
    -paggawa natin ng commercial sa AP.
    -yung pagkawala ng ipod ko!!!
    -ang pagsita ni sir camara sa bangs ko.
    -ang pagiging late ko at pagpapalabas ni sir paraiso sa mga late.
    -yung bag ng section natin na pareparehas at iba't ibang kulay.
    -yung mga banda sa atin.
    -yung christmas party natin.
    -yung practice ng mga sayaw para sa js.
    -yung last js natin sa high school kung saan naisayaw natin ang mga cruch natin *ayieeee*.
    -yung family day natin kung saan sasabog na tayong lahat at wala akong ibang makita kundi ang kulay red lamang.
    -at syempre ang GRADUATION natin!

    (wala tong sounds. pasensya na.)



    mamimiss ko talaga kayong lahat! lahat kayo ay naging parte na ng buhay ko at hinding hindi ko kayo makakalimutan kahit kaylan! minsan, reunion tayong lahat! gutso niyo bukas na eh. haha. grabe. parang kaylan lang tapos nagyon graduate na tayo kaagad.

    ooops, di pa to tapos, wait lang wag muna kayo magsawang basahin to ha. haha.

    ang mga honors sa panunukso sa akin:
    valedictorian: kevin ambos - ito ang nagpasimula ng lahat. simula elementary to nanunukso sa akin. walang kupas talaga. kung may bayad lang ang pagtukso sa akin, siguro milyon milyon na utang nya sa akin.

    salutatorian: jet barrera - hinding hindi ko makakalimutan panunukso mu sa akin nung 3rd year. cheter pala ha. ayun nalaman tuloy ng dahil sa yo! haha. hanggang ngayon di parin ako tinatantanan nito sa panunukso ng pahhhhthh!

    first honorable mention: czarem ignacio - di mo lang alam nahihirapan talaga ako banggitin pangalan mo csssszzssarem! hahahaha. sa tuwing magkakasalubong na lang tayo "ssss" ka ng "ssss"! hahaha.

    second honorable mention: laurence "tolits" salas - isa ka pa! bakit pa ang pangalan mo puro may 'S' ha?? tolitssss. hahaha!

    third honorable mention: edwin "poste" portacio jr. - alam mo ba napaiyak mo ako nung elementary tayo?! magkagroup tayo sa cooking, sabi ko patatasss, simula noon tinukso mo na ako ng "patatat"! badtrip na badtrip talaga ako sayo nung panahong iyon. tapos bumalik nanaman ngayon 4th year, "poSSSSte" naman!

    don't worry, wala akong galit sa inyong lahat! hahahaha! natutuwa lang ako dahil kahit papano madadala ko ang mga memories na to hanggang sa pagtanda ko. hahaha!


    sa ibang section ng 4th year, IV - MARK and IV - LUKE, thanks din sa lahat lahat ng memories na shinare niyo sa akin at sa lahat! sana magpansinan parin tayo kung sakali mang makasalubong natin ang isa't isa sa daan.

    mga CAT OFFICERS, thanks din sa memories at sobrang thankful din ako dahil naexperience ko maging officer kasama kayo. thanks sa napakagandang samahan natin kahit minsan eh napaparusahan lagi ang mga medics! hahaha. :D



    galing kay percy ulit. CAT time natin.


    sa ibang mga tropa sa batch natin, BOBITAS, POGI, RECAL, C.G., HAND SUCKERS, BAD BOYS, JONAS BROTHERS(meron ba talaga nito? haha!), ATX, masaya ako dahil lahat kayo ay naging part ng high school life ko, kahit magkakaiba man tayo ng tropa, nagkakaisa pa rin naman ang batch natin. wag tayong magkakalimutan ha! ang makalimot paslang, double dead pa! :D

    ngayong magkakahiwahiwalay na ang mga landas natin, i hope na hindi natin makakalimutan ang mga memories natin ngayong high school. kahit paulit ulit ko na tong sinasabi, di ako magsasawang banggitin na WALANG LIMUTAN HA! goodluck sa college life natin next school year at sana ay magtagumpay tayo sa mapipili nating career sa buhay. kahit na tumanda na tayo, FRIENDS FOREVER tayong lahat. congrats nga pala sa ating lahat dahil nalagpasan na natin ang pagiging high school. i love you all guys!

    PS: alam niyo bang kulang pa ito? hindi ko pa talaga nasasabi lahat ng saloobin ko kaso masyado nang mahaba kaya tatapusin ko na dito. basta mahal ko kayong lahat at wag niyo ako kalimutan. huhu :C paalam! kitakits nalang sa mga galaan ha!




    11:51 AM | 6 comments